Monday, August 15, 2016

Character Sketches: Pamilya Ordinaryo Team

Eto na mga bes!

BESt Director Eduardo Roy Jr.
BESt in Editing by: Carlo Franciso Manatad
BESt Actress Hasmine Killip
Netpac Prize

and the BES of the BES

BEST PICTURE. Period. Para mas may impact ganern. Hahaha! Forgive me, I'm obviously elated beyond words. Our team worked hard on this film mainly because we know how good it will turn out to be. I already said before, the script was a page-turner.

Not that I ever had any doubt before but our film bagging all these awards only validated my decision to be in this path. Pinupukaw ng mga magagandang pelikula ang aking pag-ibig sa pagbahagi ng mga makubuluhang kwento. Ayan, naging makata sa sobrang tuwa!

I was already proud to be part of Pamilya Ordinaryo, proud to have (barely) survived the shoot in Delpan, Recto, Quiapo Bridge, to name a few. Proud to have been in the same team with some of the best albeit underrated in the industry (well, underrated until last night). And winning the awards are wonderful bonuses! Because this is my blog, let me tell you more about the key people behind Pamilya Ordinaryo, tipong "Character Sketches" of sorts, para maiba. Alam niyo na naman magagaling sila haha!


L-R Hasmine, Direk Lorna, Direk Edong, PD Harley

Direk Eduardo Roy Jr. Masarap magluto pero hindi marunong mag-tantiya, kadalasan napaparami ang mga niluluto niya. Madalang na madalang siyang magsungit kaya pag nainis siya sa'yo, kabahan ka, ibig sabihin naitodo na niya ang pagpapasensiya. Collaborative. Hindi siya set in his ways. Laging naghahanap ng paraan para mas maganda pa, para mas magaling pa, para MAS PA. Mabilis mag-isip, mahusay mag-desisyon. Walang kapaguran.


Direk Lorna showing Juvan, our MUA, what to do
for the bugbugan in Delpan scene

Lorna Sanchez. Pro-active. At dahil matagal na siya sa pelikula, pinagdaananan na niya simula pagka-PA kaya alam niya kung ano ang trabaho ng bawat member ng team. In short, wala kang lusot sa kanya. Wala ring kapaguran. Coke na malamig lang ang katapat. Malakas ang boses sa shoot, pati crowd control tiklop sa kanya. Magaling mag-motivate ng artista. Scary sa una pero ang totoo, mabait talaga siya. Galit sa late.


L-R PA Mhean, LP Nay Sarah, PM Weng

Sarah Pagcaliwagan-Brakensiek. Alam ang pasikot-sikot ng trabaho niya, mabibigyan ka niya ng instructions kahit tulog at nakapikit siya (totoo, naranasan ko na). Lovable at maalaga. Emosyonal. Madaling mapasaya pero mabilis din mapaiyak. Kasing lambot ng yakap niya ang puso niya. Gusto niya masaya at busog lahat. Ayaw sa mga balat-sibuyas. Supportive. Mabilis magbigay ng instructions kaya dapat mabilis ka ding magsulat. OC.


Albert Banzon. Mabait. Tahimik. Magaling. Kahit mahirapan, naiintindihan niya ang Indie Budget (sorry sorry hehehe). Hindi ko yata nakita kung paano magalit, pero ayokong subukan. Mabilis mag-isip. Walang reklamo. Soft-spoken. Mabait ulit. Nga pala, good-looking.




Hasmine Killip. Maganda. Pero sa set, walang kaarte-arte. Method actress, meaning, pag-break sa shoot, naglalakad sa location kahit walang tsinelas. Malakas tumawa. Mahal ang lola niya. In-love sa asawa. Kahit madaling araw go pa din sa shoot. Sabi niya nung pasko, hindi niya daw ako riregaluhan, di naman ako nanghingi (Hahaha! Labyu baks!). Unang workshop pa lang, mahusay na. Pinaiyak kami ng ilang beses sa shoot, pag umiiyak kasi siya bilang Jane, naiiyak din kami. Humble. Hindi pa niya nare-realize kung gaano kalaki ang potensyal nya.



Ronwaldo Martin. Pogi. Maliit ang mukha (bakit ganun ang mga good-looking, ano?). Sweet. Laging nakangiti pagdating sa set or sa pull-out point, kahit na madaling-araw pa yan. Pala-kaibigan. Iyong mga barkada nila sa pelikula? Hindi sila mapaghiwalay kahit off-cam na. Hindi mo akalain pero mahiyain. Mahusay. Naluluha kami on-set kapag ume-emote na siya bilang Aries kahit na wala namang eksenang hagulgulan. Magaling umakyat ng bakod (Right?). Walang kaarte-arte.



Baby Arjan. Cute! Napaka-bango. Kahit nasa gitna ng center island, walang kaarte-arte, mana yata kay Ron at Hasmine. Madalang umiyak, kapag gusto lang dumede. Kahit sino'ng kumakarga, wala siyang angal (kaya nanakaw eh! hahaha!) Napakabait. Bata pa naghahanap na ng sariling pang-gatas. Mahal namin sa set.


At the CCP before the Awards Night Ceremony
L-R Direk Edong, MUA Juvan, LP Nay Sarah, Me the AP, Ron Martin, Script Con Toffe Sunga


Our last day lunch outside the Supermarket where Arjan was stolen

The team at Delpan

Team Pamilya Ordinaryo. Malalakas kumain. Madalas magtawanan kahit sa gitna ng Delpan. Walang angal. Game sa lahat! Marurunong umarte. Lahat yata sa team umarte na, AP, PA, Utility, Audio Man, Crowd Control, PM, Camera Department, Lighting Crew, Wardrobe, etc. Mabibilis kumilos. Mabibilis mag-isip. Mapagpatawad sa mga booboos. Dedma na sa pikunan. Walang iwanan. Lalo na kung sa Quiapo eh kinukuyog na ang van (kakaloka!). Hindi mahirap pakisamahan. At kung ilang araw kayong magkakasama sa initan, sa usukan, at dugyutan, pagkatapos ng lahat, hindi malabong kayo ay nakabuo na ng magandang samahan.

Mga litrato nina Michael Lacambra. Ang ubod husay at bait naming BTS photographer at ng napakabait at napakatiyagang Script Con na si Toffe Sunga.


3 comments:

  1. wwooowww!!! im really amazed with all the people who worked hard behind this great film! (of course that includes you maam) naiinggit ako gusto ko din maging part ng isang indie film pero gusto ko yung kagaya ng sa set niyo parang ang saya2 niyo tingnan sa mga pictures niyo sa set. im really hoping for the part 2 of the movie or sana gumawa kau ulit ng movie about sa mga hardships ng mga taong naninirahan sa bangketa. :)

    ReplyDelete
  2. wwooowww!!! im really amazed with all the people who worked hard behind this great film! (of course that includes you maam) naiinggit ako gusto ko din maging part ng isang indie film pero gusto ko yung kagaya ng sa set niyo parang ang saya2 niyo tingnan sa mga pictures niyo sa set. im really hoping for the part 2 of the movie or sana gumawa kau ulit ng movie about sa mga hardships ng mga taong naninirahan sa bangketa. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Roy! I'm sure Direk will come up with another beautiful screenplay in the future, I'm not sure about Part 2 though.

      Swerte talaga ako na nakasama ako sa team na ito. Lahat sila mababait at magagaling. :)

      Delete