Sunday, July 17, 2016

Gag Show: Mr. L Edition Part 1

My husband is a joker. He may not look it but he is and even when I'm really mad, he can still crack me up. Here are a few of his funny antics:


Scene: Early evening. There's a slight shower that could turn into rain any moment. We just got off the jeep.

Me: (Galit) Bakit dito tayo bumaba? Eh diba mas malapit dun sa kabilang gate?
Dimple:  Bakit ka  ba nagagalit kaagad?
Me: Eh kasi nakita mo na nga'ng umaambon, dito pa tayo bumaba kung saan mas malayo sa bahay!
Dimple: Magwi-withdraw kasi ako.
Me: (Even more angry now) Magwi-withdraw ka pala bakit di ka na lang nag-withdraw sa Cubao? Hindi mo man lang iniisip ang convenience ko?
Dimple: Hindi totoo yan!
Me: Ano'ng hindi totoo??!!
Dimple: Ganito. Habang nagwi-withdraw ako, dito ka muna sa 7-Eleven. Kung hindi ko pa naman iniisip ang CONVENIENCE mo n'yan eh nasa convenience store ka na, ewan ko na lang!

Nagpigil ako ng tawa mga beh pero di ko kinaya.

***

Scene: Bedroom. Morning. We were both preparing to go out. Me to a meeting with a client. He saw me putting my MacAir in my bag together with an external keyboard and mouse - you see it just recently got broken.

Dimple: Dadalhin mo yung external keyboard and mouse sa meeting?
Me: Oo, wala naman akong choice otherwise hindi ko magagamit ang laptop.
Dimple: Kawawa naman ang asawa ko, sira na 'yung laptop.
Me: (Paawa) Oo nga eh, nakakahiya sa mga clients ko minsan.
Dimple: Gusto mo ng...
Me: (Looks up to him hopefully)
Dimple: ...madaming keyboard?

Ay waw.

***


Scene: At my old apartment. We were watching TV and he kept on changing the channel.

Me: Huwag ka ngang lipat nang lipat! Ang sakit sa ulo!
Dimple: Patalastas pa naman eh!
Me: Doon na lang sa pinapanood natin!
Dimple: Teka lang, ibabalik ko din.
Me: Ibalik mo na! Huwag ka nang maghanap ng iba!
Dimple: (Looking at me) Hindi naman na talaga ako maghahanap ng iba eh. Ikaw na.

Ayiii ewan ko sa'yo!!!

2 comments:

  1. HAHAHAHAHA!!! Benta si insan sakin kasi naiimagine ko facial expression niya! Favorite ko yung convenience store! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Diba? Magkaaway kami niyan pero natawa talaga ako!!

      Delete