Eto na mga
bes!
BESt Director
Eduardo Roy Jr.
BESt in
Editing by: Carlo Franciso Manatad
BESt Actress
Hasmine Killip
Netpac Prize
and the BES of the BES
BEST PICTURE. Period. Para mas may impact ganern. Hahaha! Forgive me, I'm obviously elated beyond words. Our team worked hard on this film mainly because we know how good it will turn out to be. I already said
before, the script was a page-turner.
Not that I ever had any doubt before but our film bagging all these awards only validated my decision to be in this path. Pinupukaw ng mga magagandang pelikula ang aking pag-ibig sa pagbahagi ng mga makubuluhang kwento. Ayan, naging makata sa sobrang tuwa!
I was already proud to be part of Pamilya Ordinaryo, proud to have (barely) survived the shoot in Delpan, Recto, Quiapo Bridge, to name a few. Proud to have been in the same team with some of the best albeit underrated in the industry (well, underrated until last night). And winning the awards are wonderful bonuses! Because this is my blog, let me tell you more about the key people behind Pamilya Ordinaryo, tipong
"Character Sketches" of sorts, para maiba. Alam niyo na naman magagaling sila haha!
|
L-R Hasmine, Direk Lorna, Direk Edong, PD Harley |
Direk Eduardo Roy Jr. Masarap magluto pero
hindi marunong mag-tantiya, kadalasan napaparami ang mga niluluto niya.
Madalang na madalang siyang magsungit kaya pag nainis siya sa'yo, kabahan ka, ibig sabihin naitodo na niya ang pagpapasensiya.
Collaborative. Hindi siya set in his ways. Laging naghahanap ng paraan para mas maganda pa, para mas magaling pa,
para MAS PA. Mabilis mag-isip,
mahusay mag-desisyon. Walang kapaguran.
|
Direk Lorna showing Juvan, our MUA, what to do
for the bugbugan in Delpan scene |
Lorna Sanchez. Pro-active. At dahil matagal na siya sa pelikula, pinagdaananan na niya simula pagka-PA kaya alam niya kung ano ang trabaho ng bawat member ng team. In short,
wala kang lusot sa kanya. Wala ring kapaguran.
Coke na malamig lang ang katapat. Malakas ang boses sa shoot, pati crowd control tiklop sa kanya.
Magaling mag-motivate ng artista.
Scary sa una pero ang totoo, mabait talaga siya.
Galit sa late.
|
L-R PA Mhean, LP Nay Sarah, PM Weng |
Sarah Pagcaliwagan-Brakensiek. Alam ang pasikot-sikot ng trabaho niya, mabibigyan ka niya ng instructions kahit tulog at nakapikit siya (totoo, naranasan ko na).
Lovable at maalaga. Emosyonal.
Madaling mapasaya pero mabilis din mapaiyak. Kasing lambot ng yakap niya ang puso niya. Gusto niya masaya at busog lahat.
Ayaw sa mga balat-sibuyas.
Supportive. Mabilis magbigay ng instructions kaya dapat mabilis ka ding magsulat.
OC.
Albert Banzon. Mabait. Tahimik.
Magaling. Kahit mahirapan,
naiintindihan niya ang Indie Budget (sorry sorry hehehe). Hindi ko yata nakita kung paano magalit, pero ayokong subukan. Mabilis mag-isip. Walang reklamo. Soft-spoken. Mabait ulit. Nga pala,
good-looking.
Hasmine Killip. Maganda. Pero sa set,
walang kaarte-arte. Method actress, meaning, pag-break sa shoot, naglalakad sa location kahit walang tsinelas. Malakas tumawa. Mahal ang lola niya.
In-love sa asawa. Kahit madaling araw go pa din sa shoot. Sabi niya nung pasko, hindi niya daw ako riregaluhan, di naman ako nanghingi (Hahaha! Labyu baks!). Unang workshop pa lang,
mahusay na.
Pinaiyak kami ng ilang beses sa shoot, pag umiiyak kasi siya bilang Jane, naiiyak din kami.
Humble. Hindi pa niya nare-realize kung gaano kalaki ang potensyal nya.
Ronwaldo Martin. Pogi. Maliit ang mukha (bakit ganun ang mga good-looking, ano?).
Sweet. Laging nakangiti pagdating sa set or sa pull-out point, kahit na madaling-araw pa yan.
Pala-kaibigan. Iyong mga barkada nila sa pelikula? Hindi sila mapaghiwalay kahit off-cam na. Hindi mo akalain pero
mahiyain. Mahusay. Naluluha kami on-set kapag ume-emote na siya bilang Aries kahit na wala namang eksenang hagulgulan.
Magaling umakyat ng bakod (Right?)
. Walang kaarte-arte.
Baby Arjan. Cute!
Napaka-bango. Kahit nasa gitna ng center island, walang kaarte-arte,
mana yata
kay Ron at Hasmine. Madalang umiyak, kapag gusto lang dumede. Kahit sino'ng kumakarga,
wala siyang angal (kaya nanakaw eh! hahaha!) Napakabait. Bata pa naghahanap na ng sariling pang-gatas. Mahal namin sa set.
|
At the CCP before the Awards Night Ceremony
L-R Direk Edong, MUA Juvan, LP Nay Sarah, Me the AP, Ron Martin, Script Con Toffe Sunga |
|
Our last day lunch outside the Supermarket where Arjan was stolen |
|
The team at Delpan |
Team Pamilya Ordinaryo. Malalakas kumain.
Madalas magtawanan kahit sa gitna ng Delpan.
Walang angal. Game sa lahat!
Marurunong umarte. Lahat yata sa team umarte na, AP, PA, Utility, Audio Man, Crowd Control, PM, Camera Department, Lighting Crew, Wardrobe, etc.
Mabibilis kumilos. Mabibilis mag-isip.
Mapagpatawad sa mga booboos. Dedma na sa pikunan.
Walang iwanan. Lalo na kung sa Quiapo eh kinukuyog na ang van (kakaloka!).
Hindi mahirap pakisamahan. At kung ilang araw kayong magkakasama sa initan, sa usukan, at dugyutan, pagkatapos ng lahat, hindi malabong kayo ay nakabuo na ng
magandang samahan.
Mga litrato nina
Michael Lacambra. Ang ubod husay at bait naming BTS photographer at ng napakabait at napakatiyagang Script Con na si
Toffe Sunga.